PAMPANGA- INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) at nakatakda ng ipadeport pabalik ng kanyang bansa ang isang overstaying na Canadian national dahil sa umano’y pag-aamok at paninira ng ari-arian sa isang subdibisyon sa Angeles City sa lalawigang ito.
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang dayuhan na si Andrew Clark Stewart, 62-anyos sa loob ng kanyang bahay sa Angeles City, Pampanga na inaresto dahil sa reklamo ng hindi magandang asal sa loob ng kanilang subdibisyon.
“When our officers approached Stewart, he failed to present a valid passport or any identification card.
He was then arrested for being in flagrante undocumented,” paliwanag ni Tansingco.
Dahil dito, si Stewart ay nahaharap sa deportation case dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act of 194 o overstaying at pagiging undocumented immigrant.
“This should serve as a warning to foreigners who wish to stay in the country. Legalize your stay and behave appropriately or face detention and deportation,” ayon kay Tansingco. PAUL ROLDAN