NAG-ANGKAT NG 200 CONTAINER NA BIGAS KINASUHAN

Commissioner Isidro Lapeña

SINAMPAHAN ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) ng kasong kriminal ang isang importer at ang kanyang broker dahil sa illegal importation ng dalawang daang (200) container ng bigas.

Ayon kay Commissioner Isidro Lapeña, nahaharap ang may-ari ng Santa Rosa Farm Products Corp. at ang kanyang broker sa apat (4) na kasong criminal na may kinalaman sa pagpaparating ng daan-daang  container ng bigas sa Manila International Container Port (MICP) ng walang import permit.

Ang mga kinasuhan ay sina Jomerito Soliman, president at general manager ng Sta Rosa Farm Products Corp.; Dolores Opancia, chief financial officer; director Mary Grace Cayanan , director Marileen Avanez at customs broker na si Diosdado Santiago.

Sinabi ni Lapeña na tahasang nilabag ng mga ito ang Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), at Republic Act No. 10845 o iyong tinatawag na  Anti-Agricultural Smuggling Act.

Dagdag pa ni La­peña na itong si Soliman ay kasama rin sa kasong smuggling na kanilang isinampa sa DOJ noong Hunyo 21 taong 2017 dahil na rin sa rice smuggling sapagkat nag-import din ito ng bigas ng walang mga kaukulang papeles.

Ito naman ay sa ilegal na pagpaparating o importation ng 150 container ng bigas noong Hulyo 13, 2018, na inabandona nito sa MICP na siyang naging dahilan sa pagkakakumpiska ng mga naturang bigas, dahil na rin sa walang maipakitang import permit. FROI MORALLOS

Comments are closed.