NAG-COUNTERFLOW SA SKYWAY: RIDER PATAY

PATAY ang isang motorcycle rider matapos tangkaing mag-counterflow sa bahagi ng Balintawak ng Skyway Stage 3 sa Quezon City.

Ayon sa pahayag ng Skyway management, Linggo ng umaga nang pumasok ang isang motorcycle rider mula sa A. Bonifacio Avenue sa northbound off ramp patungo sa North Luzon Expressway sa isang mabilis na clip.

Ayon sa Skyway na sinubukan ng kanilang mga tauhan na pigilan at harangin ang rider na magpatuloy ngunit sinabing masyadong mabilis ang takbo ng motorsiklo sa 80 kilometro bawat oras. Ang pinakamataas na bilis sa Skyway Stage 3 ay 60 kph.

Base pa sa ulat sa sobrang bilis ng takbo nito ay tumilapon ang rider ng 150cc motorcycle mula sa kanyang sasakyan matapos itong bumangga sa isang sasakyan alas-6:12 ng umaga.

Napag-alaman sa isinagawang imbestigasyon na lasing ang rider ng motorsiklo. Isinugod siya sa ospital ngunit namatay pagkalipas ng 12 oras sanhi ng malubhang pinsala sa ulo at sa katawan nito.

Kaugnay nito sinabi ni Police Capt. Jun Cornelio Estrellan, Hepe ng Highway Patrol Group-SLEX-Sub-Office na ang rider ay walang suot na helmet at wala rin hawak na driver’s license nang mangyari ang aksidente.

Nagtamo rin ng mga pinsala ang AUV driver at sa kabila ng pagkakaroon ng right of way, nahaharap din ito sa reklamo mula sa HPG sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Samantala ang pamilya ng yumaong rider, gayunpaman, ay nagsumite ng Affidavit of Desistance.

Kaugnay nito pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga motorista na tanging ang mga motorsiklo na may 400cc na makina ang pinapayagan sa mga expressway. EVELYN GARCIA