NAG-DONATE NG PPES SA FRONTLINERS, ‘NO WORK WITH PAY’ SA EMPLOYEES

VICKI BELO

NAKIISA rin ang Belo Medical Group sa panawagan ng pamahalaan sa pagtulong sa mga Pinoy at pagsugpo sa COVID19 virus.reflection

Idinonate ng Belo Medical Group ang mga natitirang stock ng PPEs sa kanilang clinic sa ibat ibang ospital at health centers. At patuloy pa rin daw silang magdo-donate ng mga paparating nila na PPEs sa mga nangangailangan

Ipinatupad din ng Belo ang extension ng full-pay, full-benefits para sa lahat ng kanilang empleyado despite the work suspension. Ini-release na rin nila ang 13th month pay for their employes at ang pagpapatupad nila ng “no work, with pay”  scheme para makatulong sa kanilang employees during these trying times.

“We urge  our fellow beauty  and wellness centers to do the same:  donate their  stocks to hospitals and health centers  and support their employees by maintaining their salaries  and benefits  in spite  of the work suspension. We need to stand together against a common adversary at this time,” panawagan pa ng Belo Medical Clinic.

Wow!

 

DRA. VICKI BELO NAGPASALAMAT SA DALANGIN FOR HER DAUGHTER’S SAFE DELIVERY

PINASALAMATAN  ni Dra. Vicki Belo ang mga nanalangin para sa safe delivery ng kanyang anak na si Cristalle Henares-Pitt  sa bagong baby nila ng hubby niya na si Justin Pitt.

“Thank you to everyone who prayed with me for my baby Cristalle’s safe delivery,” post ni Dra. Vicki.

Kasunod nito, may pa-GOOD NEWS na message pa si Dra. Vicki.

“She just gave birth to a healthy baby girl at 6 lbs and 11 oz!”

Nanganak si Cristalle sa Makati Medical Center na katabi lang ng building ng Belo Medical Clinic sa Ma-kati.

Siyempre, ang daming nag-congratulate kay Dra. VIcki sa comment section ng Instagram niya including KC Concepcion.

Sa text message sa amin ni Dra. Vicki, wala pa raw official name ang baby ni Cristalle.

“Daming pwede. I’ll let you know pag  sure na,” ayon pa kay Dra. Vicki.

Meanwhile,  nag-post naman si  Popshie Justin ng first piktur ni Cristalle after giving birth at patikim na silip sa newborn baby nila.

Ipinost ni Popshie Justin ang piktyur ni  Cristalle habang nagbi-breastfeed sa kanyang first baby girl na kita ang makapal na black hair sa likod ng ulo.

Sa caption  ni Popshie Justin ng piktyur sa IG accpunt niya,  inilahad niya ang kanyang paghanga sa ina ng second baby niya.

Say ni Justin, “The truly amazing women in my life, my heart is full ❤. @cristallebelo braved the entire delivery process alone as I waited outside the delivery ward to observe quarantine restrictions and protect our brave Doctors and Nurses.”

Diniscribe rin ni Justin ang hitsura ng baby girl nila ni Cristalle.

“Our beautiful 6 pound 11 ounce girl entered the world with eyes wide open and crying loudly, I might be in for some trouble down the line 😂.”

Pinasalamatan din ni  Poshie Justin ang mga doktor na nagpa-anak kay Cristalle.

“Thank you to @martinpmanahanmd our OB and the brave team who assisted, this gift would not of been possible without your help and dedication.”

For sure, excited na rin makita si Baby Girl Pitt ng eldest child nina Popshie Justin and Momshie Cristalle na si Hunter.

Comments are closed.