NATULDUKAN na ang mga haka-haka kung ano ang posisyong tatakbuhan ng first daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa May 9, 2022 national elections.
Ito’y matapos na magtungo sa punong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kinatawan ni Mayor Sara bago mag-alas-2:00 ng hapon nitong Sabado at naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-bise presidente.
Nabatid na siya ang magiging substitute candidate ng Lakas-CMD, kung saan siya sumapi.
Papalitan niya si Lyle Uy na unang naghain ng kanyang kandidatura sa pagka-pangalawang pangulo.
Nauna rito, naghain ng COC sa pagka-alkalde ng Davao City si Mayor Sara ngunit kamakailan lamang ay winidro niya ito.
Hinirang din niya ang kapatid na si Vice Mayor Sebastian Duterte upang maging substitute niya.
Nagbitiw rin siya sa kanyang itinayong partido na Hugpong ng Pagbabago kamakailan. Ana Rosario Hernandez