ISANG tindera sa palengke ang naisipan nating i-feature sa ating Kumikitang Kabuhayan. Myra Corsiga ang kanyang pangalan, na mas kilala sa tawag na ‘asawa ni kambal’, — si Angelo Corsiga na dating may kakambal ngunit kinuha na ni Lord — at sampung taon na ngayong umuukopa ng pwesto sa palengke.
Ikinabubuhay ng kanyang pamilya ang pagtitinda ng seafoods tulad ng hipon, alimasag, pusit, pugita, at kung anu-ano pa. Dito nakasalalay ang kinabukasan ng nag-iisa niyang anak na si Mark Ian na ngayon ay 17 years old na at nagnanais na maging engineer sa hinaharap.
Nagsimula sa puhunang P5,000 si Myra na lakas-loob lamang dahil siya at ang kanyang asawa ay walang kalam-alam sa buhay palengke. Makalipas ang sampung taon, umaabot na sa P50,000 ang kanilang puhunan, kung saan nakasasapat naman sa kanilang pangangailangan ang kanilang kinuikita na umaabot ng P5000 hanggang P30,000 depende sa panahon ng bentaan.
Kilala si Myra sa palengke ng Nasugbu dahil masayahin siya ay marunong makisama. Umaasa siyang sa pamamagitan ng pagbebenta ng seafoods ay maitataguyod niya ang pag-aaral ng kanyang kaisa-isang anak.
Bilang magulang, hindi umano niya inaasahang mamanahin ng kanyang anak ang kanyang pwesto sa palengke.
Ipinagmamalaki niyang malinis at marangal na trabaho ang pagbebenta ng seafoods, ngunit pangarap ng kanyang anak na maging engineer kaya susuportahan nila itong mag-asawa sa tulong ng kanilang pagtitinda.
Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga tindera sa palengke sa ekonomiya ng bansa. Mula sa mga mangingisda at fish farmers, inaangkat ng mga tindera ang kanilang paninda upang ipamahagi sa mga mamimili. Sa ganitong paraan, nakabibili ng sariwang pagkain ang mga karaniwang maybahay upang isilbi sa kanyang pamilya.
Mahirap man ang ganitong gawain, nagtitiis ang mga tinderang manatili sa palengke mula 6:00 am hanggang hapon, at kung hishwife indi maubos ang paninda, kinakailangan nila itong ilagay sa cooler (hind isa Freezer) upang mapanatiling sariwa ang kanilang paninda.
Kasama rin sa challenges ng pagiging seafoods vendor ang pagkalugi kung minsan, problema sa pagdadala ng paninda sa palengke, kakulangan sa storage facilities, sanitary services, at electricity accessibility. Hindi pa kasali dito ang pagkuha ng lisensya sa pagtitinda, sanitary inspection dahil pagkain ang kanilang produktao, at kawalan ng social security liban na lamang kung kusa silang magbabayad sa SSS.
Idagdag pa dito ang harassment and eviction ng public authorities kapag nakainitan, o kaya naman ay ang mga hindi maiiwasang away dahil sa agawan ng suki.
Sa pangkalahatan, magandang negosyo ang pagtitinda sa palengke, na kung malaki lamang ang inyong puhunan, ay sapat upang isang araw ay kilalanin kayong may sinasabi sa buihay.