NAG-PARTY NA 2 BAGETS DUMIRETSO SA LAMAY

nalunod

BATAAN – PINAG­HAHANAP pa ang isa sa dalawang binatilyo na nalunod sa isang beach resort noong Linggo ng hapon sa Barangay Pag-asa, Bagac.

Batay sa ulat ni Bagac Municipal Police Station Chief of Police Capt. Albert Manabat kay Bataan Police Director Col.Villamor Tuliao, nakilala ang mga biktimang sina Marlon Anguluhan, 18-anyos, at Kenneth Jay Ar Bawar, 14-anyos, pawang mga residente ng Barangay Ibis.

Galing umano sa isang party ang mga biktima kasama ang iba pang mga kaibigan nang magkayayaang maligo sa dagat na nasa tapat lang ng isang beach resort.

Alas-3 ng hapon nang maganap ang insidente at masaya pa umanong naglalaro at nagtatampisaw sa dagat ang apat sa mga ito nang biglang humampas ang malaking alon na tila humigop sa mga ito sa malalim na bahagi ng dagat.

Nakatawag ng saklolo ang mga kasamahan ng mga ito kaya nasagip ang dalawa subalit hindi na lumutang sina Anguluhan at Bawar.

Kahapon ng tanghali ay natagpuan si Bawar sa search and retrieval operations ng Philippine Coast Guard at rescuers ng Metro Bataan Develop­ment Authority (MBDA). ROEL TARAYAO

3 thoughts on “NAG-PARTY NA 2 BAGETS DUMIRETSO SA LAMAY”

  1. 697485 16350Cheers for this exceptional. I was wondering in case you were thining of writing similar posts to this one. .Keep up the fantastic articles! 126753

  2. 11275 599683Im impressed, I should say. Genuinely rarely do you encounter a weblog thats both educative and entertaining, and let me let you know, you could have hit the nail about the head. Your concept is outstanding; ab muscles something that too couple of people are speaking intelligently about. Im delighted i found this in my hunt for something about it. 557417

  3. 711911 428769You may locate two to three new levels inside L . a . Weight loss and any one someone is incredibly important. Initial stage could be real melting away rrn the body. shed weight 746938

Comments are closed.