QUEZON – ARESTADO ang isang tulak ng shabu sa joint drug buy bust operation ng San Antonio Police, 403rd Maritime Group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Poblacion, San Antonio.
Kinilala ni PCapt Arjon M.Oxina, hepe ng pulisya, ang naarestong si Pedro Mendoza, 33-anyos, at residente ng Brgy. Buliran na sakop ng bayang nabanggit.
Base sa report ni PMSG Anthony Bravo, matagal na nilang sinusubaybayan si Mendoza dahil sa ginagawa nitong pagtutulak ng shabu, dakong alas-9:30 ng gabi nang magsagawa ang awtoridad ng buy bust.
Nagpositibo naman sa police operation na nagresulta ng pagkakadakip ng suspek, nakuha sa posesyon nito ang sampung heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at marked money.
Kasalukuyang nakakulong sa custodial facility ang naturang suspek at sinampahan na ito ng mga kasong paglabag sa RA 9165 Section 5 at Section 11. BONG RIVERA
Comments are closed.