NAG-SUICIDE SA NAIA PALAIISIPAN PA

PALAISIPAN sa mga tauhan ng Manila Inetrnational Airport Authority (MIAA) ang pagkamatay ng isang lalaki makaraang tumalon sa may departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Terminal 1, Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Michael Laureno, 26-anyos, tubong Barangay Sto. Nino South Cotabato at nagtratrabaho bilang helper sa Sto.Tomas Batangas.

Batay sa report ng mga kinauukulang, nadala pa ang biktima sa Pasay City General Hospital ngunit binawian din ito ng buhay sa naturang paggamutan.

Sa kasalukuyang hindi pa malaman ang naging dahilan ng pagtalon ng biktima at habang isinusulat ang balitang ito, gumagawa ng pa­raan ang airport Police upang makadaupang palad ang mga kamag-anak ng biktima.

Sa ngayon patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang dahilan sa kanyang pag-suicide at ang kanyang ginagawa sa NAIA.

Nakarating din sa kalaman sa mga in house repor­ter ng NAIA na nakita ang biktima sa CCTV camera na sumampa sa mataas na bahagi ng departure area bago tumalon. FROILAN MORALLOS