MAYNILA – HUBOT-HUBAD pa nang matagpuang palutang-lutang ang labi ng isang lalaki na nag-swimming at umano’y nalunod kahapon ng madaling araw sa Tondo.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawang nasa edad na 25-30 katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi at walang saplot.
Ayon sa ulat ng Manila Police District -Homicide Section, dakong alas-12 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima na huli umanong nakitang buhay noong Sabado ng gabi dakong alas-11 habang nagsu-swimming malapit sa seawall sa Road 10 Vitas, Tondo.
Gayunman, napansin umano ng mga batang naglalaro sa lugar na nalulunod ang biktima kaya agad silang tumawag ng saklolo at narespondehan ng ilang concerned citizen upang iahon sa tubig ngunit bigong maisalba pa ang kanyang buhay. PAUL ROLDAN
Comments are closed.