SINIBAK ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong pulis kabilang na ang isang opisyal na umano’y nag-upload ng crime scene video ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.
Ayon kay QCPD Director BGen. Redrico Maranan, ang mga sinibak sa kanilang puwesto ay sina Lt. Colonel Reynantye Parlade, Station Commander ng QCPD Police Station 11 at ang dalawang tauhan nito na sina SMS. Wilfredo Calinao at si Cpl. Romel Rosales.
Habang inalis din sa kanilang departamento ang tatlong sibilyan na nakita rin umano na nag-post sa Facebook sa naturang insidente.
Sa kumalat na video, nakita si Ronaldo na nakaupo sa isang upuan na duguan ang bahagi ng kanyang ulo sa unit nito sa Casa Nueva Homes, Manga Street, New Manila, Quezon City.
Si Valdez ay may mga tama ng bala sa kanyang kanan at kaliwang templo at may hawak na baril sa isang kamay nang matagpuan ng kanyang driver na si Angelito Oclarit.
Ang pangyayaring ito ay pinuna ng talent manager ni Ronaldo Valdez na si Jamela Santos ang na-upload na video ng crime scene sa kanyang facebook account.
“Stop this!!! May kaibigan ba ako from NBI? Please help”!!!, she exclaimed, referring to the National Bureau of Investigation (NBI).
“Why can people be so cruel!! I can’t believe!!! Ano, para maka-scoop kayo??? Para mag-trending kayo???” sabi ni Jamile.
Ang dalawang pulis ay nakatakdang maharap sa kasong Criminal: Privacy act at Administrative case: Iregularity in the performance of duty habang si Parlade ay Command responsibility naman ang kakaharapin.
Kasalukuyan nasa holding center ng QCPD ang tatlong pulis na sinibak sa puwesto.
EVELYN GARCIA