NILINAW ng driver na kumakalat sa social media ang nangyaring insidente sa pagitan nito at ng siklista.
Ito ay matapos iharap sa media ni QCPD Director Nicolas Torre III ang lalaki sa video na bumunot at nagkasa ng baril laban sa isang siklista na nangyari noon pang Agosto 8, 2023.
Ayon sa driver, matagal nang naayos ang naturang usapin sa pagitan nila ng siklista kung saan nagkaroon ng kasunduan sa mismong himpilan pulisya.
Nilinaw ng driver na si Wilfredo Gonzales na hindi nito itinutok ang baril sa siklista at kalaunan ay kusang loob din umano nitong isinuko ang baril sa pulisya.
Aniya, pinag-iisipan pa rin nito kung nais pa niyang humawak pa ng baril at pakiusap din ni Gonzales sa mga vlogger na maging responsable sa pagpo-post ng video lalo na’t hindi nila nakita ang umpisa.
Mag-viral sa social media ang driver ng Kia car na sumingit sa bike lane at nasagi ang sasakyan na minamaneho nito.
Bandang ala-6 ng gabi nakunan ng video ang driver ng pulang Kia car na may plakang ULQ 802 na pumasok sa bike lane malapit sa Welcome Rotonda sa lungsod dahil sa trapik.
Dahil dito, galit na bumaba ang KIA driver at sinapak ang siklista saka bumunot ng baril at ikinasa. PAULA ANTOLIN