RIZAL- TINIYAK ni Rizal PNP Provincial Director Col. Felipe Maraggun na inalis na sa pwesto ang pulis na bumunot ng baril sa away-trapiko sa lungsod ng Antipolo.
Paliwanag ni Maraggun, nasa restrictive costudy na ngayon ang isang patrolman sa Morong PNP Station matapos mag-viral sa social media.
Ayon kay Maraggun, nagalit umano ang pulis sa ginawa ng driver ng truck dahil sa pag-cut nito sa kanya sa zigzag road na muntik na nitong ikapamahamak.
Kuha naman sa social media post na hindi nakauniporme ang pulis at naglabas ito ng baril.
Sa ngayon, nadisarmahan na rin ang pulis at iniimbestigahan para sa admistratibong kaso.
ELMA MORALES