BUKAS na muli, simula alas-4 ng madaling araw, ang Naga City, Camarines Sur mula sa weekend lockdown.
Magugunitang sinabi ng local executives ng lungsod na isinara ang kanilang lugar noong Biyernes ng gabi upang pigilan ang paglawak ng kaso ng COVID-19.
Naging mahigpit din ang pagbabantay ng awtoridad sa border control points, gaya ng mabusising pagsisiyasat ng mga pulis sa dumaraang mga sasakyan gayundin ang sakay nito na dapat patunayang APOR (authorized person outside residence) at dapat sumunod sa safety protocols.
Hanggang nitong Setyembre 25 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay 603 active COVID-19.
Mahigpit naman ang bilin ng health authorities na sumunod sa minimum public health standard upang makaiwas sa sakit.
Comments are closed.