NOONG December 2, 1899, sa Battle of Tirad Pass, may 60 sundalong Filipino sa pamumuno ni General Gregorio del Pilar at mahigit 300 American soldiers sa pamumuno ni General Peyton C. March ang naglaban.
Inatasan si General Del Pilar, confidante at kanang kamay ni General Emilio Aguinaldo, na huwag papasukin ang sasalakay na mga Amerikanong sundalo sa Tirad Pass, bundok na nasa gitna ng Cordillera Mountains sa Northern Luzon.
Sinunod niya ang utos ni Aguinaldo na ipagtanggol ang Tirad Pass at pigilan ang mga Americano upang mabuo ng mga revolutionary leader ang pwersa ng mga gerilya sa Isabela sa Cordilleras.
Kasama ang 60 magigiting na sundalo, pumuwesto si Del Pilar sa tuktok ng bundok at inabangan ang isang batalyon ng 300 American soldiers. Nagkaroon ng paglalaban, ngunit hindi alam ni Del Pilar na may kasama palang traydor na Filipino ang mga Americans kaya alam na nila ang kanilang posisyon. Isa-isa silang nalagas.
Alam ni Del Pilar na katapusan na niya kaya kinuha niya ag kanyang diary at isinulat ang mga salitang ito: ”What I am doing now is for my beloved land.” Matapos ito ay muli siyang sumakay sa kanyang kabayo at nagpatuloy sa pakikipaglaban hanggang mamatay.
Natagpuan ng mga American soldiers si Del Pilar pati na ang kanyang diary. Kinuha nila ang lahat ng kanyang kasootan pati na ang kanyang espada at baril. Ngunit ang hindi nila nakuha ay ang pagmamahalng batang heneral sa kanyang bayan.
Hinangaan ni American Lieutenant Dennis P. Quinlan ang kabayanihan ni Del Pilar kaya iniatas niyang bigyan siya ng libing na may military honors. Sa kanyang lapida, ito ang nakasulat:
“GENERAL GREGORIO DEL PILAR, KILLED AT THE BATTLE OF TIRAD PASS, DECEMBER 2, 1899, COMMANDING AGUINALDO’S REAR GUARD, AN OFFICER AND A GENTLEMAN.” — LEANNE SPHERE