PAGBABALA ang Bureau of Animal Industry (BAI) na posibleng kapusin ang suplay ng baboy sa bansa dahil sa pagkakalat ng African swine fever(ASF)
Sa ulat ng GMA News Online, ibinabala ng BAI ang posibleng pork shortage sanhi ng ASF, na matagal nang nananalanta sa local hog industry.
Kamakailan ay tatlong barangays sa Carcar City, Cebu ang isinailalim sa state of calamity dahil sa ASF, kung saan ang isang raiser ay tinatayang nalugi ng P300,000.
Ang tinatayang pagkalugi sa Luzon ay nasa P100 billion, kung saan ilang magsasaka ang nagpasyang tumigil na sa pag-aalaga ng baboy.
Sa panig ng Department of Agriculture (DA) ay sinabi nitong naghahanap ito ng mga hakbang para mapagaan ang epekto ng ASF sa local industry.