NAMUMURONG tumaas ang presyo ng liquified petroleum gas (LPG) sa susunod na buwan, ayon sa LPG Marketers Association.
Sinabi ni LPGMA president Arnel Ty na wala pang pagtaya subalit inaasahan ang taas-presyo sa Pebrero dahil sa pagsipa ng demand mula sa China sa gitna ng pagbubukas ng ekonomiya nito sa kabila ng dumaraming mga kaso ng COVID-19.
Ayon kay Ty, inabisuhan na sila ng mga supplier na maaantala ang shipments ng 2-3 linggo dahil sa pagtaas ng demand.
“Probably because of the demand nagkakaroon ng maraming loading sa kanilang facilities that causes delay,” sabi ni Ty.
Wala naman aniyang dapat ipangamba dahil ‘manageable’ ang sitwasyon
“We need lang proper management over the inventory, ginagawa na namin this early kaya no need to worry,” aniya.
Sa ilalim ng batas, ang mga LPG manufacturer ay kinakailangang magmantina ng hindi bababa sa pitong araw na imbentaryo.