PANIBAGONG malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang nakaamba sa susunod na linggo.
Ayon sa mga taga-industriya, inaasahan ang P1.20 hanggang P1.30 dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.
Posible namang tumaas ng P0.90 hanggang P1 kada litro ang presyo ng diesel at P1 hanggang P1.05 kada litro sa kerosene.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Nitong Martes, Pebrero 16, ay nagpatupad ang mga kompanya ng average na dagdag na P0.75 sa kada litro ng gasolina at P1.25 sa kada litro ng diesel.
Comments are closed.