(Nagbabadya sa susunod na linggo) BIG-TIME OILPRICE ROLLBACK NA NAMAN

rollback

MAY panibagong big-time oil price hike na inaasahan sa susunod na linggo.

Ayon sa industry sources, ang presyo ng diesel ay bababa ng P2.60 hanggang P2.90 kada litro, gasolina ng P2.10 hanggang P2.40, at kerosene ng P2.20 hanggang P2.50.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Noong nakaraang Martes, Mayo 2, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P1.50, diesel ng P1.30, at kerosene ng P1.40.

Sa datos ng De- partment of Energy (DOE), hanggang noong Abril 25, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P7.55
kada litro, habang ang presyo ng diesel ay bumaba ng P3.05 kada litro at kerosene ng P3.55 kada litro.