MAY malakihang pagtaas sa presyo ng gasolina na inaasahan sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines, ang presyo ng gasolina ay maaaring tumaas ng P1.00 hanggang P1.20 kada litro.
Samantala, inaasahan namang walang magiging paggalaw sa presyo ng diesel.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes, na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Noong nakaraang Martes, Mayo 23, ang presyo ng gasolina ay tumaas ng P0.80 kada litro at diesel ng P0.60 kada litro, habang ang kerosene ay tinapyasan ng P0.10 kada litro.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Mayo 23, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P5.00 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay bumaba ng P5.05 kada litro at kerosene ng P6.40 kada litro.