(Nagbabadya sa susunod na linggo) DAGDAG-BAWAS SA PRESYO NG PETROLYO

petrolyo

MAY pagtaas sa presyo ng gasolina at rolbak naman sa diesel at kerosene na inaasahan sa susunod na linggo.

Ayon sa industry sources, ang presyo ng gasolina ay posibleng tumaas ng P0.40 hanggang P0.70 kada litro.

Nasa P0.90 hanggang P1.20 kada litro naman ang maaaring bawas sa presyo ng diesel at P0.80 hanggang P1 kada litro sa kerosene.

Noong nakaraang Martes, Oktubre 10, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P3.05, diesel ng P2.45, at kerosene ng P3.00.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Sa datos ng DOE, hanggang Oktubre 3, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P12. 25 kada litro, diesel ng P11.35 at kerosene ng P6.94 kada litro.