MATAPOS ang rolbak ay inaasahan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines, ang presyo ng diesel ay maaaring tumaas ng 90 centavos hanggang P1.10 kada litro, habang nasa 10 centavos hanggang 30 centavos kada litro ang inaasahang dagdag sa presyo ng gasolina.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Noong nakaraang Martes, Hunyo 20, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P0.35, diesel ng P0.10, at kerosene ng P0.30.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Hunyo 20, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P6.35 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay bumaba ng P4.05 kada litro at kerosene ng P6.35