INAASAHAN ang panibagong rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines, ang presyo ng, gasolina ay maaaring bumaba ng P0.05 hanggang P0.15 kada litro.
Posible namang hindi gumalaw o bumaba ng P0.10 ang presyo ng kada litro ng kerosene.
Noong nakaraang Martes, Enero 2, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P0.10, diesel ng P0.35, at kerosene ng P1.40.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes, na kanilang inaanunsiyo kinabukasan.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang Enero 2, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P12.50 kada litro, diesel ng P5.30, habang ang presyo ng kerosene ay bumaba ng P0.16.