MAY inaasahang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa papasok na linggo.
Ayon sa source sa industriya, posibleng may dagdag na P1 hanggang P1.05 kada litro ang presyo ng diesel.
Inaasahan naman ang P0.80 hanggang P0.90 kada litro na dagdag sa presyo ng gasolina.
Maaari namang umabot sa P0.95 hanggang P1 ang taas-presyo sa kerosene.
Ang price hike ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado makaraang magbawas ng produksiyon ng langis sa Saudi Arabia at iba pang bansa.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes at ipinatutupad kinaumagahan.
Comments are closed.