Ayon kay Energy Assistant Director Rodela Romero, ang tinatayang big-time price hike sanhi ng pagtaas ng global demand, ay maaari pang magbago depende sa magiging closing rate nitong Biyernes.
“Medyo may kalakihan. Para sa next week, ngayon pa lang may P5 na for diesel and kerosene and then sa gasoline mga more than ₱1,” sabi ni Romero sa Laging Handa briefing.
Ani Romero, ang oil demand ay mataas sa ilang bansa para sa harvest activities at heating needs.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Noong nakaraang Martes, Agosto 23, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.70, diesel ng P2.60, at kerosene ng P2.80
Sa datos ng Department of Energy (DOE), sa kasalukuyan, ang year-to-date adjustments ay may net increase na P17.45 kada litro para sa gasolina, P29.10 kada litro sa diesel, at P24.30 kada litro para sa kerosene.