INAASAHAN ang paniba- gong rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa isang oil industry source, ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring bumaba ng P3.20 hanggang P3.50.
Nasa P2.60 hanggang P2.90 kada litro naman ang posibleng maging bawas-presyo sa gasolina, at P4 hanggang P4.30 kada litro sa kerosene.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanujsiyo ng price adjustments tuwis Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Ito na ang ika-4 na sunod na linggo na may rolbak sa presyo ng gasolina, at ika-8 sa diesel at kerosene.
Noong nakaraang Martes, Disyembre 13, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P1.95, diesel ng P1.90, at kerosene ng P1.65.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Nob. 29, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng P16.90, diesel ng P29.90 at kerosene ng P24.90.