(Nagbalik-loob sa pamahalaan) REBELDE NOON, BANTAY GUBAT NGAYON

bantay gubat

MAHIGIT sa 600 rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan ang nagsisilbi ngayong bantay gubat sa buong bansa sa ilalim ng programa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang mga rebel returnee ay napag-alamang inatasang magbantay sa mga gubat sa ilalim ng PAMANA Program ng DENR.

“Ang bantay gubat tinatawag din nating mga forest ranger ‘yan, ito ‘yung inaatasan natin magbantay, mag-patrol sa ating mga kagubatan,” wika ni DENR undersecretary Jonas Leonen.

“So binibigyan natin sila ng uniform. Tine-train natin sila… pagka sa mga lugar na talagang delikado ay bibigyan din natin ng mga armas para proteksyon din nila kasi delikado din ‘yung ginagawa nila kapag nasa bundok sila,” dagdag pa niya.

Sa mga rebel returnee mula sa Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB) na kilala ngayon bilang Kapatiran, isang lehitimong non-violent, non-armed organization na nagsasagawa ng economic-socio-political activities, 48 ang nakatalaga sa Panay, 14 sa Aklan, 22 sa Antique, at 6 sa Iloilo.

Ang mga bantay gubat ay may kaukulang suweldo rin mula sa pamahalaan.

2 thoughts on “(Nagbalik-loob sa pamahalaan) REBELDE NOON, BANTAY GUBAT NGAYON”

  1. 36189 371255Excellently written write-up, doubts all bloggers offered the same content because you, the internet is actually a greater spot. Please keep it up! 484728

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *