CAMP CRAME – KALABOSO ang kababagsakan ng mga mahuhuling negosyante na mananamantala sa pagtitinda ng face mask.
Ito ang babala ng Philippine National Police (PNP) sa mga negosyante na nagbebenta ng overpriced face mask.
Ginawa ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac sa harap ng patuloy na pagbuga ng abo ng bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas at pagmahal ng presyo ng face mask.
Sa report umabot sa P200 kada piraso ang N95 mask na dati ay nasa P25 hanggang P30 lamang ang presyo.
Panawagan ni Banac sa publiko, i-report sa pulis ang sinumang mahuhuling nagbebenta ng overpriced face mask para agad na marespondehan ng PNP.
Aniya, mahaharap sa paglabag sa RA 7581 o the Price Act ang sinumang mapatutunayang nagbebenta ng overpriced face mask.
Sa ngayon wala pang naaresto ang PNP na nagbebenta ng overpriced face mask. REA SARMIENTO