NAGBEBENTA NG PEKENG VAX CARD KAKASUHAN

BINALAAN ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang mga indibiduwal na nagbebenta ng mga pekeng COVID-19 vaccination cards na masasampahan ang mga ito ng kaukulang kaso.

Sa inilabas na pahayag ng Muntinlupa City COVID-19 Vaccination Program (MunCoVac) ay sinabi nito na naglabas sila ng babala makaraang makatanggap ang lungsod ng report ng pamemeke at ilegal na pagbebenta ng vaccination cards sa ilang computers shops sa lungsod.

Sinabi ng MunCoVac na matapos na matanggap ang ulat ay agad na nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa mga computer shop para mag-imbestiga at kapag napatunayan ang ilegal na gawain na ito ay maaaring makansela ang kanilang business permit habang makakasuhan naman ang mga indibidwal kapag napatunayan ang kanilang partisipasyon sa pamemeke ng pampublikong dokumento na tulad ng vaccination record.

Ayon sa MunCoVac, mapanganib ang mga may hawak ng pekeng vaccination cards dahil ang mga taong ito ay hindi pa bakunado para magkaroon ng proteksiyon laban sa COVID-19.

“Inilalagay din ng mga ito ang kanilang pamilya at ibang nakahalubilong tao sa panganib. Bukod dito, nababalewala rin ang aming sakripisyo sa pagsasailalim ng ilang lockdowns upang matigil ang pagkalat ng COVID-19,” dagdag pa ng MunCoVac.

Sinabi din ng MunCoVac na maglulunsad ang local na pamahalaan ng verification system sa mga susunod na linggo ang QR code kung saan makukumpirma nito ang validity ng vaccination record.

Samantala, umabot sa 64 indibiduwal ang inaresto ng lokal na pulisya sa unang araw ng implementasyon ng unified curfew hours mula alas 8 ng gabi hanggang alas 4 ng umaga sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Metro Manila na sinimulan ng Agosto 6 na magtatagal ng hanggang Agosto 20.

Sa naarestong 64 indibidwal kabilang ang 5 menor de edad, ang 37 sa mga ito ay pinagmulta habang ang limang menor de edad at 22 adults naman ay binigyan na muna lamang ng warning. MARIVIC FERNANDEZ

139 thoughts on “NAGBEBENTA NG PEKENG VAX CARD KAKASUHAN”

  1. 502730 911744Wow, superb blog layout! How long have you been blogging for? you make blogging appear straightforward. The overall look of your internet site is magnificent, as nicely as the content! xrumer 346936

  2. 842513 917456Hey there. I want to to inquire somethingis this a wordpress weblog as we are thinking about shifting more than to WP. Also did you make this theme on your own? Thanks. 254252

Comments are closed.