NAGBEBENTA NG WILD BIRDS TIKLO

BULACAN- ARESTADO sa isinagawang buy bust operation nang pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group, Barangay Intelligence Unit at Bulacan Environment and Natural Resources (BENRO) ang isang negosyante na nagbebenta ng endangered species na ibon sa Hulo St. Brgy, San Jose Patag, Sta.Maria sa lalawigang ito.

Sa report ni MSgt.Jayson Dela Cruz kay CIDG Provincial Officer Lt.Col.Dave Mahilum kinilala ang suspek na si Raymond Manuel Y San Diego, 40-anyos, binata, negosyante at residente sa nabangit na lugar.

Ganap na alas-3:10 ng hapon nang isagawa ang buy bust operation, makaraang magpanggap na poseur buyer, sina Allan Marc Custodio,at Victorino Morales jr ng BENRO.

Ayon kay Provincial BENRO Atty. Julius Victor C Degala, nabawi mula sa suspek ang 2 Hornbill, isang Crow o Uwak, Kuwago at iba pang mga endangered species na ibon na nanganganib ng maubos.

Samantala, nakakulong ngayon ang suspek sa CIDG detention cell sa kasong paglabag sa R.A 9147 ( An Act providing for the conservation and protection of wildlife resources and their habitats). THONY ARCENAL