NAGBENTA NG FAKE CIGARETTES KALABOSO

sigarilyo

NEGROS OCCIDENTAL – SWAK sa selda ang isang 36-anyos na mister nang madiskub­reng pekeng brand ang sigarilyong ibinebenta nito sa Sipalay City.

Ayon kay Sipalay PNP Chief na si PLCol. Necerato Sabando, may natanggap silang tip na nagbebenta umano ng pekeng mga sigarilyo si alyas Mar, 36-anyos.

Nahuli ang suspek sa Purok Pachoco, Barangay San Jose matapos na magbenta sa isang kostumer.

Nabawi ng PNP sa tricycle ng suspek ang 248 reams ng iba’t ibang brand ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P3,000.

Nabatid na peke ang mga sigarilyo matapos ipasuri sa Department of Trade and Industry.

Ipinaalam na rin ng PNP sa mga tobacco ma­nufacturer ang nakumpiska nilang mga produkto.

Nahaharap ang suspect sa kasong paglabag sa Intellectual Property Code. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM