BULACAN- DEAD on the spot ang construction worker na si Michael Mendaño makaraang saksakin ng ilang beses ng senglot na kainuman sa Purok 6 ng Brgy, Upig San Ildefonso sa lalawigang ito.
Sa inisyal na report ni Lt.Col Russel Dennis Reburiano kay PNP Provincial Director Col. Relly Arnedo kinilala ang suspek na si Alex Surio Y Castillo, 50-anyos ng Brgy,.Yakal, Catarman, Samar.
Base sa paunang imbestigasyon ni Lt.Robert Reynoso, ganap na alas-8:15 Linggo ng gabi nang maganap ang insidente.
Nabatid na magkasama sa trabaho ang dalawa na gumagawa sa bakuran ng Upig High School.
Batay sa ulat, nagkainuman ang dalawa at biniro umano ng biktima ang suspek na aasawahin nito ang kanyang anak bagay na ikinagalit nito.
Dahil dito, agad kinuha ng suspek ang isang matalim na bolo at walang sabi-sabing inundayan ng saksak ang biktima sa ibat-ibang bahagi ng katawan na agad nitong ikinamatay. THONY ARCENAL