NAGBOSES KAY DORAEMON PUMANAW NA

PUMANAW na si Japa­nese actor Nobuyo Oyama na nakilala sa kanyang boses sa cartoon character na si Doraemon. Siya ay 90 anyos.

Ibinahagi  ng  kanyang talent agency na “Actors Seven” na pumanaw ang aktor noong Setyembre 29, 2024 dahil sa katandaan.

Dinaluhan ang burol ng Japanese voice actor ng malalapit niyang kamag-anak.

Ang Japanese anime series ay umere mula 1979 tungkol sa isang robot na pusa mula sa future na nag-time travel sa “present” para tulungan ang isang tamad na estudyanteng si Nobita na naging bestfriend niya.

Naging popular ang Doraemon hindi lamang sa Japan, kundi maging sa  Pilipinas at iba’t ibang mga bansa  kung saan minahal ito ng mga bata hanggang sa kasaluku­yang henerasyon.