(Nagbulakbol habang duty) 3 OPISYAL NG PNP VISAYAS SIBAK SA GOLF PLAYING

Golf

CAMP CRAME – IBINULGAR ni Philippine National Police (PNP) Chief,  Gen.  Archie Francisco Gamboa na tinanggal niya sa puwesto ang tatlong police officials  sa Central Visayas matapos na mabuking na naglalaro ng golf sa oras ng kanilang trabaho.

Ayon kay Gamboa, dalawa sa police official ay mapo-promote na sana sa ranggong full colonel subalit  dahil sa nangyari ay mapupurnada ito.

Ang posisyon aniya ng tatlong police official ay Regional Comptroller ng PNP Central Visayas, Chief ng Finance at pinuno ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG).

Inihayag ni Gamboa halos araw-araw naglalaro ang tatlo na nagsisimula ala-5:30 ng umaga.

“Pawang bored ang tatlo kaya naglaro,” ayon kay Gamboa.

Taliwas ito sa kanyang utos na bawal maglaro ng golf bago ang office hours dahil gusto niya alas -8:00 ng umaga nasa opisina na sila.

Hindi naman idinetalye ng PNP chief kung ano ang eksaktong oras subalit iyon ay weekdays.

Payag naman daw si Gamboa na maglaro sila ng golf subalit dapat pagkatapos ng office hours, weekends at holidays. REA SARMIENTO

Comments are closed.