(Nagbuwis ng buhay sa pagtupad sa tungkulin) PBBM NAGBIGAY PUGAY SA BAYANING SCOUT RANGERS

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr, ang pag-aalay ng bulaklak para sa mga namayapang scout ranger na nagbuwis ng buhay sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Binigyan ng 21 gun salute sina TSg Richard S De Jesus (OS); PFC Jemrick Pol B Cotingjo; Cpl Ernie Bryan U Ballera at Cpl Jerwin L Caputol na pawang mga miyembro ng Infantry ng Philippine Army.

Habang isa-isang nilapitan ng Pangulo ang mga biyuda ng mga nasawing scout ranger sa Visayas at Mindanao.

Kasunod nito, pinuntahan din ng punong ehekutibo, ang inaugurasyon ng Military Operationns on Urban terain facilities na nasa loob ng Camp Tecson na pinondohan ng gobyerno ng America.

Layon nitong mapataas ang kasanayan ng mga scout ranger sa ibat-ibang aspeto ng pakikidigma tulad ng Urban warfare.

Kasama ng Pangulo sina Defense Secretary Gibo Teodoro, AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, Regiment Commander BGen Isagani Ocampo Criste, at ilang lokal na opisyal ng pamahalaan.

Matapos ito’y binati ng pangulo ang lahat ng miyembro ng Scout Ranger Alumni mula sa ibat-ibang lalawigan.

Habang binigyan din ng medalya o parangal ang mga natatanging kawal. THONY ARCENAL