(Nagdudulot ng artificial shortage) NAG-IIMBAK NG ASUKAL KASUHAN

raw sugar output

HINIMOK ng Sugar Producers Federation (SPF) ang gobyerno na pigilan ang local traders na mag-imbak ng asukal na nagdudulot ng artificial shortage at pagtaas ng retail prices.

Ayon kay Manuel Lamata, pangulo ng grupo, dapat na suriin ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI) at ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang mga warehouse ng local traders para masolusyunan ang isyu.

Paglilinaw niya, walang shortage dahil maraming asukal na nasa bodega ng mga ito.

Hiniling ni Lamata na patawan ng kaso na may kinalaman sa economic sabotage ang sinumang mapatutunayang nag-iimbak ng asukal.

– DWIZ 882