(Nagdurugtong sa 2 major business centers sa Metro) ‘KALAYAAN BRIDGE’ BUKAS NA

kalayaan bridge

OPISYAL nang binuksan kahapon ang tulay na nagkokonekta sa dalawang major business centers sa Metro Manila.

Binuksan at pinasinayaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Sta. Monica-Lawton Bridge, na tinawag na ‘Kalayaan Bridge’, kaalinsabay ng selebrasyon ng ika-123 Independence Day ng bansa.

“With the opening of this bridge, DPWH is a few steps closer to completing the entire BGC-Ortigas Center Link Road Project that will reduce travel time between Bonifacio Global City and Pasig City/Mandaluyong City to only 12 minutes,” wika ni Public Works Secretary Mark Villar.

Ang Sta. Monica-Lawton Bridge ay bahagi ng P1.79-billion BGC-Ortigas Center Link Road Project.

Ayon kay DPWH Undersecretary Emil Sadain, ang 1.367-kilometer BGC-Ortigas Center Link Road Project ay kinabibilangan din ng rehabilitasyon at pagpapalawak sa 362-meter Brixton (corner Reliance Street) sa Fairlane Street at konstruksiyon ng 565-meter Lawton Avenue – Global City Viaduct na tatawid sa Lawton Avenue hanggang sa entrance ng BGC.

Ang BGC-Ortigas Center Link Road Project ay isa sa major Build Build Build projects na sumusuporta sa EDSA Decon-gestion Program na naglalayong mapagaan ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA at iba pang major thoroughfares sa Metro Manila.

Ani Sadain, ang viaduct structure na tatawid sa Lawton Avenue hanggang sa pagpasok ng BGC ay target matapos sa huling quarter ng 2021.

Sa sandaling matapos, ang tulay at road project ay kayang mag-accommodate ng hanggang 20% ng traffic volume ng EDSA at C-5 Road.

Ang ceremonial opening ng tulay ay dinaluhan nina Executive Secretary Salvador Medialdea; Transportation Secretary Arthur Tugade; BCDA Chairman Vince Dizon; MMDA Chairman Benhur Abalos; DPWH Undersecretary Sadain; DPWH Assistant Secretary Wilfredo Mallari; Pasig City Congressman Roman Romulo; Makati City Congressman Luis Campos; Taguig City Congresswoman Maria Laarni Cayetano; Pasig City Mayor Vico Sotto; Makati City Mayor Abigail Binay; Taguig City Mayor Lino Cayetano; DPWH Project Directors Virgilio Castillo, Benjamin Bautista, Ramon Arriola, and John-son Domingo; DPWH Project Manager Ricarte Mañalac and Project Engineer Emmanuel Regodon; at iba pang opisyal ng pamahalaan.

5 thoughts on “(Nagdurugtong sa 2 major business centers sa Metro) ‘KALAYAAN BRIDGE’ BUKAS NA”

  1. 599954 922237This can indicate that a watch has spent some or all of its life in the tropics and was not serviced as regularly as it really should have been. 523861

Comments are closed.