SA PAGTATAPOS ng taon, marami tayong natutunan. Ang ilan sa mga ito ay nais nating dalhin sa susunod na taon upang maging mas mapayapa, masagana, at masaya ang ating buhay.
Napakagandang pagkakataon ito upang balikan ang nakaraan at pagplanuhan ang hinaharap. Ito ang handog sa atin ng bagong taon—bagong simula.
Isa sa mga bagay na makatutulong sa atin sa pagsisimula ng taon, sa pagninilay at paggawa ng mga bagong adhikain ay ang retreat. Marami sa atin ang nakaranas na nito. Maraming uri ng retreat, at ang hatid ng bawat isa ay kapayapaan at kaliwanagan ng isip upang mapabuti ang ating kalagayan.
Sa ika-6 ng Enero ay magaganap ang isang retreat na pinamagatang “Beginner’s Mind: A New Year Mindfulness Meditation Retreat”. Ito ay hatid ng Mindfulness Asia at papadaluyin ni Imee Contreras, isang mindfulness teacher at siyang founder ng Mindfulness Asia. Ang retreat na ito ay magsisimula sa ganap na alas-9 n.u. at magtatapos sa alas-5 n.h. sa The Farm Shed @ Acacia Waldorf School sa Hacienda Sta. Elena, Santa Rosa, Laguna.
Bahagi ng retreat ang mga sumusunod: guided meditation sessions, mindful movement, nature walks, mindful eating, mga talk tungkol sa beginner’s mind, silent reflection, at iba pa. Isa rin itong magandang oportunidad upang makipag-ugnayan sa mga miyembro ng isang komunidad na kaisa mo sa iyong mga layunin.
Ang early bird rate para sa whole day retreat ay nagkakahalaga ng P3,200. Hanggang bukas, ika-30 ng Nobyembre, ang special rate na ito. P3,500 naman ang regular rate na maaaring bayaran mula sa unang araw ng Disyembre hanggang sa ika-28 ng Disyembre. Kung ikaw ay interesadong maging bahagi ng retreat na ito, o kung nais mong hikayatin ang iyong mga kaibigan at kapamilya upang sama-sama kayong sumali (may special group rate din), maaaring magpa-register sa link na ito: https://bit.ly/beginnersmindretreat2024 Sundan lamang ang instructions ng pagbabayad at pagpaparegister.