NAGBIGAY ng babala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga kompanya at indibidwal na nagkakanlong sa mga illegal na manggagawa mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at sinabing haharap ang mga ito sa mabigat na parusa ng batas.
Binigyang-diin ni Commissioner Joel Anthony Viado ang pagbabawal sa pagbibigay ng tirahan o trabaho sa mga dayuhang walang tamang dokumento.
“The Bureau will not hesitate to file charges a anyone found violating Section 46 of the Philippine Immigration Act of 1940. Harboring illegal aliens is a serious offense and we will pursue violators with the utmost resolve” ani Viado
Ang babala ay kasunod ng naunang anunsyo ng BI ukol sa nalalapit na deportation proceedings para sa mahigit 11,000 dating POGO workers na nabigong lisanin ang Pilipinas bago ang itinakdang deadline noong Disyembre 31, 2024.
Nanawagan din ang kagawaran sa publiko na iulat ang anumang hinihinalang paglabag at tiniyak na ituturing na confidential ang lahat ng ulat.
RUBEN FUENTES