IIMBESTIGAHAN ng binuong Special Task Force Degamo ang mga taong tumulong para makapagtago ang mga suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 4 sa compound ng bahay nito sa bayan ng Pamplona.
Ito ang nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Jean Fajardo kasunod ng pinalawak ng TF ang kanilang imbestigasyon sa nasabing pagpatay.
“Ang tinitingnan na lang ditto ay ‘yung mga tumulong ditto sa mga suspek na alam natin na under custody ngayon.
Ito ‘yung mga main player, when we say main players, ito ‘yung may actual participation doon sa nangyaring shooting incident noong March 4 na nagresuita sa pagpatay kay Gov. Degamo at iba.,” ayon kay Fajardo.
Tinukoy ni Fajardo, kasama ang nagbigay ng suporta sa 10 suspek na nasa kustodiya na ngayon ng pamahalaan.
“Itong mga lima hanggang anim ay tinitingnan natin ‘yung mga accomplice nila, mga intermediaries and possibly itong alleged utak ditto sa krimen na ito,” dagdag pa ni Fajardo.
Aalamin din ng Special Task Force kung paano nakalabas ng lalawigan ang mga suspek at kung sino ang tumulong sa pagtatago ng mga ito.
Una nang sinabi ni STF Vice Chairman Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na malaking conspiracy ang nasa likod ng pagpatay sa gobernador na nangailangan ng mahabang panahon ng pagpaplano at Logistics Support.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng gobyerno ang 10 mga suspek kung saan nasa 5 hanggang 6 na indibidwal pa ang kanilang tinutugis. EUNICE CELARIO