HINARANG ng mga tauhan ng Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang dayuhan na nagkunwaring pipi at bingi dahil sa mga pekeng dokumento.
Kinilala ang suspek na si Sengaloun Phimpa na dumating sa NAIA Terminal 3 nitong nakalipas na araw sakay ng Air Asia galing Bangkok.
Sa inisyal na imbestigasyon, nadiskubre na nagsisinungaling ito dahil sa hindi magkakatugmang sagot na siyang dahilan upang isailalim sa tertiary inspection kasabay ang forensic laboratory.
At sa resulta, napatunayan na fraudulent ang kanyang pasaporte, immigration stamps at pekeng Thailand Visa.
Bukod sa mga pekeng dokumento, nakuha rin kay Phimpa ang Philippine TIN ID, Philippine Postal ID at iba pang Thai documents. FROILAN MORALLOS