SUBIC BAY FREEPORT- DALAWANG Container vans ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) na naglalaman ng mga basura na nagmula umano sa bansang Estados Unidos at dumating sa Port of Subic.
Sa ulat, iligal ang pagkaangkat sa mga nasabing kargamento na dumating sa naturang pantalan kaya hinarang at ininspeksiyon ang mga ito.
Sa isinagawang inspeksiyon ni BOC Port of Subic District Collector Maritess Martin, binuksan ang mga container van kung saan tumambad sa mga awtoridad ang umano’y mga sari-saring basura, gaya ng mga lumang karton at iba pang ipinagbabawal na hazardous waste materials.
Tangka na sana umanong ipuslit ang dalawang container vans ng maharang ng mga awtoridad at madiskubre ang nilalaman ng mga ito.
Kinumpirma ni Martin na lima na ang container van na kanilang nabuksan na naglalaman ng mga basura mula sa 30 containers na nahuli ng BOC na sa kasalukuyan ay nasa Subic Terminal. ROEL TARAYAO
Comments are closed.