LAGUNA – SUMUKO ang itinuturong nagmasaker sa tatlong miyembro ng pamilya sa Brgy. Limao, Calauan.
Batay sa ulat ni PMaj. Mark Julius Rebanal, hepe ng pulisya kay Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, ang sumuko ay si Ruel Tolentino ng Brgy. Sta. Lucia, Dolores, Quezon.
Inamin ni Tolentino nagawa lamang niyang patayin ang mga biktima dahil sa umano’y hindi parehas na kabahagi ng lupa na napapunta sa kanya.
Magugunitang natagpuang patay sa kanilang tahanan sina Cesar Forteza, anak nitong si Richard at ang kinakasamang si Maricel noong Hulyo 12.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Calauan PNP Lock Up Cell na nahaharap sa kasong multiple murder. DICK GARAY
Comments are closed.