NAGMUKBANG NA BA LAHAT?

Why Doesn’t Mukbang YouTuber Tzuyang Gain Weight Even Though She Eats So Much? A Doctor Explains The Reason

Mukbang: Busog o Busog na Busog?
ni Riza Zuñiga

Pinasikat ang “Mukbang” ng mga Koreano bilang isang palabas na nagpapakita ng pagkain na maaaring tumagal ng isang oras o higit pa noong 2010.

Isa siyang “eating show,” sa simula ay nag-iisa ang kumakain na makikita sa video mula sa South Korea, sa panonood ng publiko para na rin silang kumakain ng may kasabay.

Kalaunan ito ay naging “global trend” noong 2014 dahil bukod sa pagpapakita ng iba’t ibang pagkain, kapupulutan ito ng aral mula sa pagkaing tinututuring na“regional specialties o gourmet spots.”

Ito ay maaaring “pre­recorded” o kaya ay “streamed live” sa pamamagitan ng webcast mula sa iba’t ibang streaming platforms katulad ng YouTube, TikTok, Afreeca TV, at Twitch.

Nagkaroon ng alternatibong pagkakakitaan ang mga nagmumukbang, dahil maaari itong magbukas ng daan sa advertising, sponsorship at endorsements, kasama ang viewers’ support.

Kasabay ng kasikatan nito ang mga puna naman ng ibang tao na ito ay maaaring pagsimulan ng “unhealthy eating habits,” “eating disorders,” “animal cruelty” at “food waste.”

https://www.dailymotion.com/video/x80oify – Credits to Bisaya Studio

Pinangunahan ng South Korean Government ang anunsyo na  maglulunsad ito ng “National Obesity Management Comprehensive Measures.” Ito ay nakatutok sa “binge eating” na maaa­ring makasama sa pagkain ng publiko.

Sa 40 petisyong natanggap ng gobyerno, nakasaad sa petisyon na walang kaugna­yan ang  “mukbang at binge eating,” at ang gobyerno ay lumalabag sa kalayaan ng indibidwal.

Mula sa isinagawang pag-aaral ng “health impacts” nito, nagkakaroon ng “poor eating habits” ang mga tao sa  kadahilanang sila ay naaakit kumain sa labas at magkonsumo ng sobra-sobrang “processed food.”

Ang isa pang batikos na natanggap ng mukbang ay ang pag-aaksaya sa pagkain.  Ngunit kalaunan, isinawalat ng iba na hindi naman kinakain lahat gawa ng may editing naman ang mga videos kung kaya’t hindi na ipinapakita na iniluluwa nila ang pagkain para hindi sila sosobra sa timbang.

Kung kaya’t nagkaroon ng mga palabas na naghihikayat sa publiko na iwasan ang labis na pagkain para hindi masayang ang pagkain.

https://www.cosmo.ph/lifestyle/food-drink/stephanie-soo-mukbanger-filipino-food-a704-20181025

Pinagkakitaan ng ibang content creators and kanilang palabas na mukbang, naging isang makabagong “marke­ting strategy” ito.

Ilan sa naging popular na Mukbang sa Youtube sa Pilipinas ay ang mga sumusunod: Tol Buloy Mukbang, Mike and Len, Bisaya Studio (na umabot ng 5.5M views ang palabas nitong Lechon Kawali sa Youtube), Alfie Eats, Pinilakang Lakbay, Ewic Mukbang, Just Lafam, Kaigoy Mikz, Sino si Richard (umabot sa 1M views ang Spicy Balut at Ihaw-Ihaw Assorted Street Food), Pambansang Kolokoy (ang Ultimate Filipino Breakfast niya ay umabot ng 1.3M views), at Agassi Ching (Lechon Mukbang na may 900K views).

May ilang lugar pa sa Metro Manila ang nag-advertise ng kanilang mukbang sa FB at Youtube at ang iba ay nagpagawa pa ng tarpaulin. Nagkaroon din ng FB page ang ilan katulad ng Mukbangers Philippines na may 10K followers.