HUMINGI na ng kapatawaran si Franz Luke Orbos, ang motoristang nagmura sa mga pulis at traffic enforcers na sumita sa kanya dahil sa isang traffic violation noong Hulyo 14 sa Muntilupa City.
Si Orbos, anak ni dating executive secretary at ex-Pangasinan governor at representative Oscar Orbos ay nakilala kamakailan sa isang nag-viral na video sa social media na nagpakita ng kanyang magaspang na pag-uugali na nagmura at nanglait sa mga rumespondeng Muntinlupa City police at traffic enforcers noong nakaraang Miyerkules (Hulyo 14) sa Susana Heights Road, Brgy. Tunasan malapit sa Susana Heights toll gate.
Kaya’t inaresto si Orbos ng Muntinlupa police at Muntilupa Traffic Management Bureau (MTMB) kung saan sinampahan ito ng patong-patong na kasong alarms and scandals, resistance to a person in authority at direct assaults sa Muntinlupa prosecutor’s office.
Humingi ng tawad at inamin ni Orbos ang kanyang pagkakamali kung saan,iba ang kanyang ginawang pag-uugali sa “Christian values” na itinuro ng magulang nito sa kanya.
“Ang aking pamilya at mga mahal sa buhay ay nasaktan at nabahala sa pangyayari. Nagsisisi ako at humihingi ako ng tawad sa mga na-offend ko sa ipinakita kong masamang pag-uugali,” ani Orbos.
Handa si Orbos na tanggapin ang kahihinatnan ng kanyang nagawang kasalanan.
Ang mga nagsampa ng reklamo laban kay Orbos sa Muntinlupa prosecutor’s office ay sina Police Corporals Marlon Sandoval at Rolando Liban gayundin ang traffic enforcers na sina Felicisimo Co Jr. at Ramon Reamico ng MTMB.
Isang araw nakulong si Orbos,iniutos ng Muntinlupa prosecutor’s office sa pamamagitan ng isang resolusyon na nagpapalabas sa kanya sa kulungan o “released for further investigation” (RFI) Subalit itinakda naman ang preliminary investigation ng kaso sa Hulyo 30 ng alas 11:30 ng umaga sa naturang tanggapan. MARIVIC FERNANDEZ
847130 373259Its a shame you dont have a donate button! Id most undoubtedly donate to this outstanding internet site! I suppose within the meantime ill be pleased with bookmarking and putting your Rss feed to my Google account. I appear forward to fresh updates and will share this blog with my Facebook group: ) 274877
376787 659659Your weblog has exactly the same post as yet another author but i like your far better.~:; 160921
583541 890575Beneficial information and exceptional style you got here! I want to thank you for sharing your tips and putting the time into the stuff you publish! Fantastic function! 969623
119769 587294somehow identified your internet site when i was kind of stoned. very good read 408908
248207 841995Does your weblog have a contact page? Im having a tough time locating it but, Id like to send you an e-mail. Ive got some suggestions for your blog you may be interested in hearing. Either way, great internet site and I look forward to seeing it expand more than time. 235579
149320 544185Keep all the articles coming. I enjoy reading via your points. Cheers. 264100