NAGPAKILALANG SUNDALO KALABOSO

sundalo

MAYNILA – nabuking ang planong blackmail ng isang lalaki na nagpanggap na sundalo sa Malate.

Ayon kay Barangay 714 Chairman Arnel Palo, biglang pumasok sa kanilang barangay hall  si alyas Stanley,   29 anyos,  at nagpakilalang miyembro ng Philippine Army.

Nakasuot pa ng unipormeng pangmilitar ang suspek nang pumasok sa naturang pasilidad.

Hinihingi umano ni Stanley ang listahan ng mga pangalan at tirahan na nasa drug watchlist ng naturang barangay.

Nagduda si Palo kung kaya hiningan niya ang lalaki ng Idetification Card (ID) ngunit natuklasan niya na peke ito.

Nang malamang nagpapanggap ang suspek ay agad humingi ng tulong ang barangay chairman sa Malate Police.

Napag-alaman ng awtoridad na isang buwan nang nakatira si Stanley  sa nabanggit na barangay kung saan na­ngungupahan ito ng isang kuwarto kasama ang kanyang ka live-in partner.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code o Usurpation of Authority. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.