NAGPAKILALANG TAUHAN NG LTFRB NADAKIP SA ENTRAPMENT

ENTRAPMENT

BULACAN – ISANG  lalaking eksperto sa panggogoyo sa kanyang mga katransaksiyon ang naaresto ng pulisya sa entrapment operation sa Barangay San Roque, San Jose Del Monte City (SJDMC),  kamakalawa.

Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan-PNP, naaresto si Jasper Cabrion, 50, residente ng 56 Phase 1, Brgy. Malanday, Valenzuela City matapos ireklamo ng biktimang si Evelyn Anito, 48, overseas Fiipino worker at residente ng  Brgy. Kay­pian, SJDMC, Bulacan.

Nabatid sa ulat na gustong iparehistro ni Anito ang kanyang taxi kaya nakipagkita siya kay Cabrion nitong Hun­yo 6, 2019 sa Brgy. Kaypian, SJDMC sa pag-aakalang empleyado ito ng LTFRB-NCR.

Nagkasundo sila na magbabayad si Anito ng P58,000 para sa kabuuang prangkisa ng taxi at nagbigay ng paunang P35,000 kay Cabrion.

Ngunit nitong Hunyo 11, nagduda ang biktima kaya nag-verify sa LTFRB at natuklasang hindi ito empleyado ng ahensiya kaya nagsumbong siya sa pulisya at naaresto si Cabrion na nahulihan nng iba’t ibang identification cards ng mga ahensiya ng gobyerno. A, BORLONGAN

Comments are closed.