LAS PIÑAS – ISANG LALAKI na nagpakilalang tauhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nadakip ng mga tauhan ng PNP-National Capital Regional police Office sa inilunsad na counter illegal drug operation sa lungsod na ito.
Kinilala ni PNP-NCRPO director, P/MGen. Guillermo Eleazar ang nadakip na si Elmer Lat, 42-anyos, residente ng Pasay City.
Nagpapakilala umano na empleyado ito ng DILG at ginagamit ang armas niya para sa umano’y illegal drug activities.
Nakuha rin sa suspek ang nasa 10 gramo ng shabu na may street value na Php 68,000.00, mga drug paraphernalia, motorcycle, handgun, black jacket na may DILG logo at PNP Bullring na may PSBRC Batch 2002 logo.
Patong-patong na kaso ang kahaharapin ng suspek partikular ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 and Usurpation of authority (Art 177 and 179 of RPC). VERLIN RUIZ
Comments are closed.