NA-INTERCEPT ng Immigration Officer (IO) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang isang Chinese na nagpanggap bilang Mehikano dahil sa paggamit ng pekeng Mexican Passport.
Sa report na nakarating sa tanggapan ng Bureau of immigration (BI), kinilala ang suspek na si Lho zhi Min, 53-anyos na naaresto nitong Sabado ng umaga bago sumakay sa kanyang Malaysian Airlines patungo sanang Kuala Lumpur.
Batay sa impormasyon,nadiskubre ito pagdaan ni Lho sa primary inspection kung saan hindi ito makasagot sa mga basic question sa immigration officer on duty na siyang naging dahilan upang i-refer sa tinatawag na tertiary inspection at forensic documents laboratory.
At base sa resulta ng isinagawang forensic laboratory napatunayan na peke ang kanyang Mexican passport kung kaya’t agad na inaresto si Lho dahil sa paglabag ng Philippine immigration Act of 1940.
Mananatili si Lho sa BỊ Detention Facility sa Taguig City habang naka-pending ang kanyang deportation order sa opisina ng BI Board of Commissioner sa Intramuros Manila. FROILAN MORALLOS