NAGPANGGAP NA PULIS ARESTADO

INARESTO ng mobile patrol ng Manggahan Police Sub-Station (SS8) ang isang lalaki nagpapanggap na pulis kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat na nakarating kay Col Celerino Sacro Jr., Chief of Police, Pasig CPS, dakong alas- 7:45 ng gabi kamakalawa, isang alyas na Mar, 32-anyos at residente ng Pinagbuhatan Pasig ang nasakote.

Nabatid na habang binabagtas ng mobile patrol ang kahabaan ng Paseo De Anemalis Street, Brgy. Santolan ay namataan nila ang kakaibamg kilos ng suspek na nakasuot ng PNP athletic uniform.

Magalang umano nila hiningan ng pagkakakilanlanan ang suspek subalit nagpakilala lamang umano ito na miyembro ng PNP na nakatalaga umano sa Pasig.

Dito na hiniling ng mga awtoridad na ipakita ang kanyang PNP identification card kung saan walang naipakita ang anuman dokumento sa pagiging pulis at kalaunan ay nalaman na ang suspek ay isang security guard .

Kasunod nito, ipinaalam sa suspek ang uri ng pag-aresto sa kanya at ipinaalam sa kanyang mga karapatan sa konstitusyon sa isang diyalektong kilala sa kanya pati na rin ang paratang na inihain laban sa kanya.

Inihahanda na ang reklamo ng Paglabag sa Article 179 ng Revised Penal Code (Illegal Use of Uniform or Insignia) para sa pagsasampa sa Pasig City Prosecutor’s Office.

Sinabi ni Sacro na ang ilegal na paggamit ng uniporme o insignia ay nasa ilalim ng Article 179 ng Revised Penal Code, “Ang parusa ay prison mayor sa pinakamataas na panahon nito ay dapat ipataw sa sinumang tao na hayag at hindi wastong paggamit ng insignia, o uniporme ng ng kapulisan.

Samantala, para matugunan ang hindi awtorisadong paggamit ng mga uniporme at insignia ng PNP, ang Pasig CPS sa pamamagitan ng Logistic Section nito ay regular na nagsasagawa ng “Tamang Bihis” inspeksyon sa lahat ng mga tauhan ng PNP. ELMA MORALES